Panibagong bawas-presyo sa petrolyo, asahan na sa susunod na linggo

Asahan na ang panibagong bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Rino Abad, posibleng ₱0.60 hanggang ₱0.95 kada litro ang rollback sa diesel.

Habang ₱0.30 hanggang ₱0.60 kada litro naman ang mababawas sa presyo ng gasolina.


Karaniwang inaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang oil price adjustment tuwing araw ng Lunes at nagiging epektibo ito tuwing Martes.

Facebook Comments