Patay sa Bagyong Paeng sa Maguindanao, umakyat na sa 31

Umakyat na sa 31 ang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Paeng sa Maguindanao.

Ayon kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM) Interior and Local Government Minister Naguib Sinarimbo, 16 sa mga ito ay mula sa Datu Odin Sinsuat; lima mula sa Upi at sampu sa Datu Blah T. Sinsuat.

Aniya, ang mga nasawi sa Datu Blah at Datu Odin Sinsuat ay bunsod ng flashflood at landslide.


Maliban sa 31 nasawi, pito aniya ang patuloy na pinaghahanap sa Datu Blah.

Facebook Comments