Panibagong dagdag singil sa kuryente, inaprubahan ng Energy Regulatory Commission

Manila, Philippines – Inaprubahan ng Energy Regulatory Commission ang dagdag na anim na sentimo kada kilo watt hour sa electric bill ng mga consumer sa buong bansa.

Paliwanag ni ERC OIC Commissioner Alfredo Non, pambayad ito sa mga plantang gumagawa ng kuryente galing sa renewable sources gaya ng solar at wind power.

Giit pa ni Non, nasa batas na maaari itong ipasa sa mga consumer.


Nabatid na maglalaro sa P11 hanggang P29 ang dagdag sa mga ordinaryong consumer sa buong bansa.

Nilinaw naman ni Non na hindi nila sinadyang isabay sa refund ng MERALCO ang dagdag singil sa kuryente.

Gayunman, kampante ang ERC na overall na bababa pa rin ang singil sa kuryente dahil mas malaki ang refund ng MERALCO.

DZXL558

Facebook Comments