Panibagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, posibleng pumalo sa 10,000 hanggang 11,000 ngayong araw; daily positivity rate sa NCR, nasa 45% na!

Posibleng papalo sa 10,000 hanggang 11,000 ang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw sa National Capital Region.

Ito ay batay na rin sa monitoring ng independent group na OCTA Research kung saan umakyat na sa 45% ang daily positivity rate sa Metro Manila.

Mas mataas ito sa naitala kahapon na nasa 40% lang.


Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, sa buong bansa ay nakikita nila na aabot sa 15,000 hanggang 16,000 ang inaasahang bagong kaso ngayong araw.

Bukas, araw ng Biyernes ay posibleng papalo aniya sa 20,000 ang bagong kaso ng COVID sa Pilipinas.

Facebook Comments