VP Leni Robredo, itinangging di dumaan sa quarantine ang tatlong anak matapos dumating sa bansa galing abroad

713

Tinawag na fake news ni Vice President Leni Robredo ang kumakalat na balita na hindi sumailalim sa quarantine ang kaniyang mga anak matapos dumating sa bansa.

Sa Facebook page ni Robredo, itinanggi niyang dumiretso si Tricia sa kanilang bahay nang dumating galing sa labas ng bansa.

Aniya ni Robredo, nasa quarantine hotel ang kaniyang tatlong anak sa loob ng 5 araw.


Nang magpositibo sa RT- PCR test si Tricia ay inilipat ito sa isolation facility.

Nakalabas lamang ito sa isolation facility matapos ng tatlong ulit na mag-negatibo sa swab test.

Sina Aika at Jillian ay nag-negatibo sa RT -PCR at kahit nakalabas ay ipinagpatuloy nila ang pag- quarantine.



Wala aniyang nahawa dahil sinunod nila ang quarantine protocol.

Sa kumakalat na impormasyon sa social media, ikinukumpara si Tricia kay Gwyneth Chua o “Poblacion Girl” na tumakas sa quarantine facility.


Facebook Comments