Panibagong kaso ng pamamaril, naitala sa iba’t ibang bayan at siyudad sa lalawigan ng Isabela

Isabela, Philippines – Pitong katao ang patay sa nangyaring pamamaril sa ibat ibang lugar sa lalawigan ng Isabela noong araw ng Sabado at Linggo.

Unang naitala noong araw ng Sabado ang pamamaril sa bayan ng Echague, Isabela na ikinasawi ni Marlon Saturno, singkuwentay uno anyos at residente ng Soyung, Echague, Isabela.

Sakay ng tricycle kasama ang kaniyang asawa nang pagbabarilin ang biktima ng hindi pa nakikilalang salarin.


Agad ring binawian ng buhay si Jason Castillo ng Purok kuwatro San Mateo, Isabela matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki sakay ng motorsiklo.

Biglang dumating ang mga suspek sa tahanan ng biktima at pinagbabaril ito.

Patay din sina Jay Cris Amistad, 40 anyos ng District 4 Tumauini, Isabela; Rutherson Apolonio, 36 anyos ng Antonino, Alicia, Isabela; Mario Dela Cruz ng Victory Sur Santiago City at Angelo Sablay ng Turod Sur, Cordon, Isabela.

Makaraang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek habang sila ay nakikipag-inuman sa kani-kanilang mga barangay.

Hindi rin nakaligtas sa riding in tandem ang isang drug surrenderee sa bayan ng Naguilian, Isabela matapos pagbabarilin kahapon, nakilala ang biktima na si Danny Boy Manalastas ng Surcoc, Naguilian, pinagbabaril ito sa Junction San Mariano pasado alas singko kahapon.

Nagpapagaling pa rin sa pagamutan hanggang sa ngayon ang pinakahuling biktima ng pamamaril na si Melvin Respicio ng Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.

Sakay ito ng tricycle kagabi ng pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek kagabi.

Napag-alaman na ilan sa mga ito ay sangkot sa ipinagbabawal na gamot.
DZXL558

Facebook Comments