Malaking oil price hike ang aasahan ng mga motorista sa mga susunod na araw.
Ayon sa The Unioil Petroleum Philippines, aasahang aabot sa ₱6.30 hanggang ₱6.60 ang itataas kada litro ng diesel, habang ₱2.50 hanggang ₱2.80 naman sa gasolina.
Maaalalang may mga kampanyang una nang nagtaas ng presyo ng gasolina sa ₱3.95 at diesel sa ₱2.30 kada litro.
Ayon naman sa Department of Energy (DOE), simula Mayo 31 hanggang Hunyo 2 ang presyo kada litro ng gasolina ay nasa ₱73 hanggang ₱83.60 sa Quezon City, samantalang sa Manila ay aabot ng ₱70.50 hanggang ₱75.60.
Facebook Comments