Tyansa ng local transmission ng Omicron subvariant na BA.5, mataas ayon sa DOH

101

Inamin ng Department of Health (DOH) na mataas o “very high” ang tyansa ng local transmission ng Omicron subvariant na BA.5 sa Pilipinas.

Kasunod ito nang pagkaka-detect ng BA.5 subvariant sa dalawang indibidwal na mula sa Bulacan, kung saan walang travel history sa labas ng bansa maliban sa pagpunta sa polling precinct sa Metro Manila.

Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang na-detect na subvariant pagdating sa komunidad ay malaki ang index of suspicion na mayroon na itong local transmission.


Pero paglilinaw ni Vergeire na hindi pa itinuturing na community transmission ang BA.5 sa bansa.

Facebook Comments