Inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte sa Davao City, nakahanda na

120

Inihayag ng kampo ni Vice President-elect Sara Duterte na handa na ang nakatakdang inagurasyon sa June 9 na nagaganapin sa Davao City.

Sisimulan ang inagurasyon sa isang Thanksgiving Mass, alas-2:00 ng hapon na pangungunahan ni Archbishop Romulo Valles sa San Pedro Cathedral, alas-4:00 ng hapon naman aasahang magsisimula ang nasabing inagurasyon.

Dagdag pa ng kampo ni Duterte, bukas ito sa publiko at naglaan sila ng libreng sakay para sa mga dadalo.


Kinumpirma rin nila na si Supreme Court Justice Ramon Paul Hernano ang mangangasiwa sa oath-taking ng ika-15 na bise presidente ng Republika ng Pilipinas.

Facebook Comments