Inilabas ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang panibagong operating schedule ng mga tren na magsisimula na bukas.
Matapos ang magdadalawang linggo na ang nakalipas nang masunog ang power rectifier ng LRT-2 Santolan station na nagpahinto ng operasyon ng tren ng ilang araw, pero balik-operasyon na ito ngunit “partial” pa lamang.
Ayon kay LRTA Spokesperson Atty. Hernan Cabrera, maguumpisa na ng ala-singko ng madaling araw (5:00am) ang operasyon imbis na ala-sais ng umaga (6:00am) na unang ipinalabas noong October 8 para sa partial operation.
Dagdag pa niya magkakaroon pa rin ng limitadong biyahe ang mga tren na may rutang Cubao-Recto-vise versa.
Kasalukuyan pa rin tigil operasyon ang Santolan, Katipunan at Anonas stations dahil sa pinsalang idinulot ng nasunog na rectifiers.