Manila, Philippines – Inihayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na simula sa Enero ng susunod na taon ay tataas nang muli ang sweldo ng lahat ng empleyado ng gobyerno kabilang na ang mga nasa unipormadong serbisyo.
Ayon kay Diokno, ito ang epekto ng 3rd tranche o bahagi ng Salary Standardization Law (SSL) of 2015 na ipinatupad ng Aquino administration matapos palawigin ang SSL na ipinatupad din sa ilalim ng Arroyo administration.
Ayon kay Diokno, nakapaglaan na ang pamahalaan ng 24 billion pesos para sa salary increase ng 1.2 milyong empleyado ng gobyerno mula sa Ehekutibo, Lehislatura at Hudikatura.
Facebook Comments