Panibagong warrant of arrest kay Senator Leila De Lima na may kaugnayan sa iligal na droga, i-aapela ng kampo ng senadora

Manila, Philippines – I-aapela ng abogado ni Senator Leila De Lima ang panibagong paglabas ng warrant of arrest na may kaugnayan sa iligal na droga.

Ang nasabing arrest warrant na non-bailable ay inilabas ni judge Amelia Fabros-Corpuz ng Muntinlupa City Regional Trial Court branch 205.

Nakasaad dito ang pag-aresto sa senadora at isang Jose Adrian Dera o “Jad De Vera” na sinampahan ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002.


Base sa pinakahuling warrant of arrest, nangikil si Dera ng pera at sasakyan kay high profile inmate ng New Bilibid Prison na si Peter Co para gamitin sa election campaign ni De Lima.

Kasalukuyang nasa custodial center ng PNP sa camp crame ang senadora dahil sa arrest warrant na inisyu ni Judge Juanita Guerero ng Muntinlupa RTC branch 204.

Facebook Comments