Ayon sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Placido Ibarra, may-ari ng bilihan ng bigas, aniya nananatili pa sa dating presyo ang bigas at wala pa namang naging pagtaas bagaman isa ang lalawigan ng Isabela sa sinalanta ng Supertyphoon Karding.
Aniya, ang Ordinary na bigas ay nasa P32 kada kilo at 800 naman ang 25kgs; P36 naman ang per kilo at P900 ang kalahating kaban ng Dinorado; habang P38/kilo at 950 ang 25kgs ng Sinandomeng.
Dagdag pa niya, nananatili pa ring mas mabenta ang Ordinary na bigas dahil nga mas mura ang ganitong uri ng bigas.
Magugunita na isa sa napuruhan ng Supertyphoon Karding ang Katimugang bahagi ng lalawigan ng Isabela at pumalo sa higit P23M ang pinsala sa agrikultura sa buong Rehiyon Dos kung saan karamihan sa napinsala ay ang mga pananim na palay.