CITY OF ILAGAN, KABILANG SA TOP 3 FINALIST NG ISANG PRESTIHIYOSONG PARANGAL

Malugod na ibinahagi ng City of Ilagan Tourism Office sa pangunguna ni Ginang Christine Simon, Tourism Officer, na kabilang ang lungsod sa Top 3 Finalist ng isang prestihiyosong parangal na ATOP-DOT Pearl Awards 2022.

Napili ang City of Ilagan mula sa lahat ng Lokal na Pamahalaan na sumali at nagsumite ng nominasyon bilang Best Tourism Promotions Video at Best Tourism Event Hosting.

Kaugnay nito, unang isinagawa ang preliminary round noong September 17, 2022 na sinundan ng Final Screening at Oral Defense noong September 29 na kapwa ginanap sa University of Sto. Tomas (UST), España, Manila.

Ang Atop-Dot Pearl Awards ay ang pangunahin at pinaka prestihiyosong pang turismong parangal sa bansa. Ang nasabing prestihiyosong parangal ay ipagkakaloob sa October 27 na gaganapin sa 23rd ATOP National Convention sa Tagaytay City, Cavite.

Facebook Comments