PANININDIGAN | Agriculture Secretary Manny Piñol, aminado na dagdag trabaho ang pagpapasailalim sa DA ng NFA Council

Manila, Philippines – Kung si Agriculture Secretary Manny Piñol ang tatanungin, dagdag trabaho ang pagbabalik ng tatlong ahensya sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Agriculture (DA).

Pero sa kabila nito, buong paninindigan na aakuin ni Piñol ang hamon at responsibilidad na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ng kalihim, mas mapapalakas pa ang kapabilidad ng kagawaran sa misyon nitong matiyak sa publiko ang sapat na suplay at access sa murang pagkain.


Aniya, kabilang sa mga ito ang pagkakaroon ng NFA ng 60-day buffer stock ng bigas, prayoridad sa pagbili ng local palay at mas transparent na proseso ng rice importation sa bansa.

Facebook Comments