Amerika – Kung sa Pilipinas, sakit ng ulo kung maituturing ang matinding trapiko sa Indianapolis naman ay itinuturing ito na isang mabisang paraan para makapaglibang.
Ayon sa negosyanteng si Tom Battista – mainam daw ang panonood ng daloy ng trapiko sa highway dahil nakatutulong ito para mapababa ang blood pressure ng mga tao.
Dahil sa paniniwalang ito, isang proyekto ang kanyang sisimulan kung saan maglalagay siya ng tatlong hilera ng upuan sa isang highway sa Indiana at may kasama pang sunshade na magbibigay proteksyon naman sa mga tao laban sa matinding sikat ng araw.
Ang “The Idle, a Point of View” project ni Battista na nagkakahalaga ng 82-libong dolyar ay inaasahang maitatayo sa pagitan ng i-65 and i-70 highways sa Indiana.
DZXL558
Facebook Comments