Sinikap i-revive ng mga bumbero ang dalawang maliit na aso na nailabas mula sa nasunog na bahay sa Carmichael, California, Miyerkules.
Sa video ng Sacramento Metropolitan Fire District, makikita ang mga tauhan na inaasikaso ang walang malay na asong sina Cocoa at Kiwi.
Parehong kinabitan ang dalawang aso ng Oxygen masks sa nguso, binuhusan ng tubig, at hinimas-himas bago tuluyang magkaroon ng malay.
#BushWy video of Cocoa receiving initial care after being rescued from the home pic.twitter.com/iOhn5Kl8dQ
— Metro Fire of Sacramento (@metrofirepio) August 15, 2019
#BushWy video of Kiwi receiving initial care after being rescued from the home pic.twitter.com/aZM1CQjdsv
— Metro Fire of Sacramento (@metrofirepio) August 15, 2019
Ayon sa tagapagsalita ng SAC Metro Fire, unang nailigtas ang asong si Cocoa matapos maapula ang sunog sa bahay.
Isang residente naman ang nagsabing mayroon pang isang aso sa loob kaya bumalik ang mga bumbero at saka nailabas ang puting aso na si Kiwi.
Mabuti na ang lagay at naibalik na ang dalawa sa kanilang amo.
Iniimbestigahan pa naman ang sanhi ng sunog.