PANOORIN: Lola, pinakalma, hinalikan ng magnanakaw sa isang botika

(Screenshot ng CCTV footage ng Brazilian Pharmacy sa youtube)

Imbes na nanakawan, hinalikan at pinakalma ng isa sa mga magnanakaw ang lolang bumibili lamang sa isang botika sa Brazil.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagpasok ng dalawang lalaking nakahelmet para magnakaw sa naturang tindahan.

Makikita rin na napaupo pa ang may-ari ng botika at tila hinahayaan na lamang na pumasok ang dalawa.


Isang nakatayong babae ang matutunghayan na mukhang takot na takot na pinagmamasdan ang pangyayari.

Mapapanood na may iniabot ang babae sa mga kawatan ngunit hindi ito tinanggap ng lalaki.

Bagkus, hinalikan sa noo ng naturang lalaki ang matanda.

Tila pinakakalma pa nito ang takot na lola.

Maya-maya ay makikitang unti-unting umaalis ang dalawa matapos malimas ang kaha ng botika.

Samantala, umabot sa 240-dolyar ang ankuha ng mga kawatan.

Patuloy namang pinaghahanap ng awtoridad ang dalawa.

Facebook Comments