PANOORIN: Ika-10 na anibersaryo ng office chair race sa Japan

Image via The Japan Times

Isinagawa ang selebrasyon ng ika-10 na anibersaryo na paligsahan ng office chair sa Hanyu, Japan.

Sa paligsahang ito, may tatlong miyembro ang isang grupo na makikipagkumpitensya sa ibang grupo.

Ang nasa likod nito ay Tsuyoshi Tahara, na galing ang insirasyon sa Formula One and Le Mars. Ang pangalan ng karera ay Isu-1 Grand Prix.


Nagsimula ang paligsahang ito noong 2009, at tampok na sa iba’t ibang lugar sa Japan sampung taon na ang nakakaraan tulad ng Hokkaido, at iba pang 12 na siyudad.

Sa isang magkahiwalay na panayam, sinabi ni Tahara na naisip niya ang ganitong klase ng paligsahan dahil gusto niyang maalala ulit ang “happy and chilhood memories.”

Sa loob ng dalawang oras ay kukumpletuhin nila ang mga laps. Ang mananalo o “best driver” ay mag-uuwi ng 90 na kilos ng bigas.

Nagkaroon na rin ng office chair racing na ginanap sa Tainan, Taiwan at Suzhou, China.

Panoorin ang kabuuan ng video:

Facebook Comments