PANOORIN: Official Music Video ni Manila Mayor Isko Moreno na “Nais Ko”, inilabas na

88

Mapapanood na ang official music video na “Nais Ko” ni Manila Mayor Isko Moreno kasama sina Smugglaz at Bassilyo, sa kanyang Youtube channel.

Ibinahagi ni Isko Moreno sa kanyang music video ang kanyang buhay noon bilang isang dating kolektor ng basura bago maupo bilang alkalde ng Maynila.

Maririnig ang pagsasabi niya ng “Posible, Pwede, Kaya” para magbigay inspirasyon sa mga tao na abot kaya at posibleng makakaahon ang lahat sa kahirapan.


Ito ay naging isang mahalagang mensahe sa kanyang kampanya at tulad ng nakasaad sa lyrics na, “galing sa baba, galing sa wala, kaya alam magpahalaga kapag may napala,” inilahad ni Moreno na tutulong siya sa pag-angat ng buhay ng mga Pilipino sa parehong paraan na ginawa niya para sa kanyang sarili.

Noong 2019, kasama ni Moreno ang dalawang rapper na sina Bassilyo at Smugglaz, sa isang fliptop battle music video na “Batang Maynila”. Ito ang official campaign video ni Isko Moreno bago siya maupong alkalde ng Maynila. Si Smugglaz ay galing tondo na isa ding inaanak ni Moreno.

Panoorin ang buong music video sa pamamagitan ng link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=Q9P02WhTwb4&ab_channel=IskoMorenoDomagoso



Facebook Comments