PANOORIN: Soccer game sa Argentina, naantala dahil sa nakawalang toro

157
Screenshot from storyful's video

 

Natigil ang isang soccer match sa Argentina dahil sa hindi inaasahang kalahok–isang nakatakas na toro.

Nagtatatakbo sa soccer field ang toro, na pinaniniwalaang nanggaling sa malapit na katayan, dahilan para maudlot ang laro nitong Linggo ng umaga sa San Pedro de Jujuy.


Sa video na kuha ng isang manonood, maririnig na pumipito ang mga referee para balaan ang mga mga tao na umiwas nang magsimula nang umatake ang malaking hayop.

Ayon sa awtoridad, isang lalaki ang nagtamo ng minor injury at dinala sa ospital.

Nagawang mailayo ng mga pulis ang toro sa field, ngunit hindi malinaw kung tagumpay itong nahuli.

Facebook Comments

From Advertisers