PANSAMANTALA | Dating Senador Revilla, humiling sa Sandiganbayan na makasama ang pamilya sa Pasko at Bagong Taon

Manila, Philippines – Humiling si dating Senador Bong Revilla sa Sandiganbayan first division na makapagdiwang Pasko at Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya sa Bacoor, Cavite.

Nabatid na nahaharap si Revilla sa mga kasong plunder at graft dahil sa pagkakasangkot nito sa pork barrel scam.

Sa petisyon ng kampo ng dating senador, humihingi ito ng na makasama ang kanyang pamilya sa December 24 ng alas-11:00 ng umaga hanggang December 25 ng alas-8:00 ng gabi.


Bukod dito, nais ding makasama ng dating senador ang kanyang pamilya sa December 31 ng alas-11:00 ng umaga hanggang January 01, 2018 ng alas-8:00 ng gabi.

Kasalukuyang nakakulong si Revilla sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame sa Quezon City.

Facebook Comments