Lifted o inalis na sa lalawigan ng Pangasinan ang pansamantalang pagbabawal sa mga poultry at meat products sa lalawigan.
Noong December 31, 2022 nang matapos ang naturang ban kung saan matatandaang halong dalawang taon din ang itinagal nang ipatupad ang temporary ban o ang pagbabawal sa pagpasok ng buhay na manok at iba pang poultry products sa lalawigan na mula sa mga probinsya ng Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan at Tarlac dahil sa pagpasok ng virus na Avian o Bird Flu sa mga nabanggit na kalapit na probinsiya.
Sa isang panayam sinabi ng Office of the Provincial Veterinary ng Pangasinan, kahit inalis o lifted na ang pagbabawal sa mga nabanggit na produkto ay kailangan pa ring magbantay ng mahigpit ng OPVET.
Anila, hinihintay pa kung may ibaba pang Executive Order o EO ukol sa Temporary Ban nito.
Samantala, sinabi naman ni OPVET Veterinarian na si Dr. Jovito Tabajeros na kailangang sumunod sa mga prescribed requirements kung mag-bibiyahe ng mga poultry products sa lalawigan.
Nabanggit din ni Tabajeros ang mga requirements gaya na lamang na veterinary health certificate, shipping permit certification na lumalabas na Avian at ASF Free ang kanilang farm, at kung mayroon naman umanong laboratory test na latest ay ito ang kailangang isumite sa OPVET bago makapagpasok ng mga produktong poultry sa Pangasinan. | ifmnews
Facebook Comments