Halos 90 close contacts ng walong pinoy na COVID-19 patients galing China, tukoy na ng BOQ

Tukoy na ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang 89 close contacts ng walong Pilipino mula China na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa BOQ, kinabibilangan ito ng 43 Pilipino at 46 dayuhan na nakasalamuha ng mga pinoy sa apat na magkakaibang flights mula December 27, 2022 hanggang January 2, 2023.

Dagdag pa ng ahensya, karamihan sa mga ito ay fully vaccinated at isa lamang ang nagpakita ng sintomas ng COVID-19.


Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, patuloy ang pagbantay nila sa mga close contacts hangga’t matapos ang monitoring period.

Facebook Comments