Pansamantalang suspensyon ng operasyon ng MRT-3 sa October 31 hanggang November 2, iniurong dahil sa Bagyong Rolly

Hindi muna itutuloy ng MRT-3 ang scheduled weekend shutdown nito simula sa ika-31 ng Oktubre hanggang ika-2 ng Nobyembre 2020.

Ito’y bilang pag-iingat sa posibleng landfall ni Typhoon Rolly.

Ito ang rekomendasyon ng MRT-3 management kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade upang maprotektahan ang mga manggagawa ng MRT-3 na mag-aayos sa depot.


Nakatakdang isaayos ang 34.5 kilovolt alternating current (kV AC) switch gear sa depot at mga turnouts sa Taft Avenue station.

Magbibigay ng anunsyo ang pamunuan ng MRT-3 kung kailan matutuloy ang weekend shutdown.

Ibig sabihin, magpapatuloy ang operasyon ng mga tren sa mainline bukas hanggang Lunes.

Facebook Comments