Kinalampag ni Assistant Minority Leader Arlene Brosas ang Kamara na aprubahan ang panukala na ₱750 na national minimum wage bago tuluyang matapos ang 18th Congress.
Iginiit ng kongresista na ang ₱33 na dagdag sa arawang minimum wage ng mga manggagawa ay hindi sapat kumpara sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Binatikos ni Brosas ang kakarampot na wage hike sa Metro Manila matapos ilang taon na hindi inaksyunan ang mga nakabinbin na wage petitions.
Kaya naman, puspusan ang panawagan ng kongresista na maaprubahan ang ₱750 across the board na sahod.
Hindi man aniya ito maging ganap na batas sa papatapos na 18th Congress, ang mahalaga ay inaksyunan aniya ang hinaing ng mga manggagawa na nananawagan ng makabuluhang dagdag-sahod.