Panukala na magpapataas sa competitiveness at employability ng mga Pilipino, hiniling na irepaso ng Senado

Ipinarerepaso ni Senator Sherwin Gatchalian ang batas para sa pagpapataas ng ‘competitiveness at employability’ ng mga Pilipino.

Pinuna ni Gatchalian na sa kabila ng pagkakaroon ng Philippine Qualifications Framework (PQF) Act, ay wala namang pagbabago o pag-unlad sa mga programa at mga hakbang para makamit ang layunin ng PQF na posibleng makaapekto sa mga reporma na ginagawa para sa sektor ng edukasyon.

Batay kasi sa ulat ng World Bank, mahina ang pagpapatupad ng PQF ng bansa dahil sa limitadong utilization at ebidensya sa impact sa labor market sa kabila ng pagkakaroon ng malakas na framework.


Bunsod nito ay inihain ni Gatchalian ang Senate Resolution 15 na layong silipin ang status ng implementasyon ng batas.

Ang PQF na naisabatas noong 2018 ay layong magpatibay ng national standards at maitaas ang antas ng learning outcomes sa edukasyon.

Dito ay tinutugunan dapat ang mismatch sa trabaho at kakayahan kung saan idinisenyo ang batas para pagkaisahin ang basic education, technical at vocational education, at higher education para sa isang nationwide unified framework ng mga skills at competencies.

Facebook Comments