Panukala na otomatikong suspensyon sa excise tax sa langis, hiniling sa Kamara

Isinusulong sa Kamara na magkaroon ng batas para sa otomatikong tax suspension sa mga produktong petrolyo at langis.

Partikular na nais maitulak sa Kamara ay ang panukala na may mekanismo para sa automatic fuel tax suspension sa tuwing ang halaga ng krudo sa pandaigdigang pamilihan ay papalo sa $80 kada bariles.

Iginiit ng mayorya na kung mayroon lamang sanang batas para sa automatic suspension sa fuel excise tax ay naipatupad na sana ito agad lalo pa’t ngayon ay umabot na sa $130 ang kada bariles ng crude oil sa world market bunsod ng nagpapatuloy na gyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.


Tinukoy pa sa Kamara na ang otomatikong pagsuspindi sa excise tax sa langis ay nakapaloob sa Section 43 ng Tax Reform Acceleration and Inclusion Law o TRAIN Law ngunit ito ay para lamang sa taong 2018 hanggang 2020.

Dagdag pa rito, may kakayahan ang Kongreso para ibalik ang mekanismo upang makapagbigay ng agarang kaluwagan sa mga tao sa tuwing tumataas ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Facebook Comments