E-sabong operators na binanggit ng negosyanteng si Atong Ang, inimbitahan sa pagdinig ng Senado

Sa Lunes ipagpapatuloy ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang pagdinig ukol sa E-sabong at pagkawala ng 34 na mga sabungero.

Ayon kay Senator Ronald Bato Dela Rosa na siyang chairman ng komite, sa pagdinig sa Lunes ay papaharapin ang mga pinangalanan ni Atong Ang na umanoy nagsasabwatan laban sa kanya bilang pinakamalaking online sabong operator.

Kinabibilangan ito nina Bong Pineda, Cong. Teves, mga kumpanya daw ni dating Congressman Patrick Antonio, Mayor Elan at dating PNP Chief Camilo Cascolan.


Para kay Senator Dela Rosa, makabubuting masagot ng mga ito ang alegasyon laban sa kanila ni Atong Ang.

Inaasahan din na sa susunod na pagdinig ay may maihahayag ang philippine national police na development kaugnay sa kanilang imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero.

Facebook Comments