Panukala na titiyak sa suplay ng gamot, bakuna at medical supplies sa bansa, pasado na sa committee level

Inaprubahan na sa House Committee on Health ang substitute bill na magbibigay ng higit na proteksyon sa kalusugan ng mga Pilipino.

Sa ilalim ng “Health Procurement and Stockpiling Act” ay tinutugunan dito ang problema sa access sa critical drugs, mga gamot, bakuna, aparato at kagamitan sa oras ng public health emergencies.

Ayon kay Tan, pangunahing may-akda ng panukala, ipinakita ng COVID-19 pandemic ang kahalagahan ng preposition ng mga critical at strategic pharmaceuticals at medical devices gayundin ng suplay ng raw materials.


Sa ilalim ng panukala ay lilikha ng Health Procurement and Stockpiling Bureau na pangangasiwaan ng Department of Health (DOH).

Magsisilbing itong pangunahing tanggapan na magsasagawa ng transparent, fair, proactive, at innovative procurement service para sa DOH.

Inaatasan din ang bureau sa pag-iipon, pag-iingat at pagpapadali sa paglalabas ng sapat na bilang ng pharmaceuticals, vaccines, devices, at materials na makakapagligtas ng buhay tuwing may health crisis.

Umaasa si Tan na ang panukala ay isang hakbang para maging resilient ang public health system ng bansa.

Facebook Comments