*Cauayan City, Isabela*- Ikinalungkot ni Sangguniang Panlungsod Rufino Arcega ang kanyang naging desisyon na pansamantalang iatras ang kanyang inihaing panukala na maglilimita sa paggamit ng Herbicide sa mga sloping area sa Lungsod ng Cauayan.
Ayon kay SP Arcega,ang kanyang panukala ay para sa mga susunod pang henerasyon upang maiwasan ang matinding epekto ng paggamit ng mga herbicide sa mga bulubunduking lugar.
Paliwananag naman ng tanggapan ng Fertilizer and Pesticide Authority sa Isabela na ang kanilang mandato lamang ay upang masigurong nakarehistro ang mga pangunahing pamatay damo na kalimitang ginagamit ng mga magsasaka.
Ayon kay Ginoong Leo Vangad, Provincial Officer ng Fertilizer and Pesticide Authority, sa kanyang personal na assessment ay possible rin na pagmulan ng erosion kapag nakakaranas ng malakas na pag uulan ang mga lugar na sobrang nagamitan ng glyphosate o pamatay damo.
Iginiit pa nito na ang ang sloping area ay hindi dapat nakakalbo dahil ang paggamit ng herbicide ay pinapatay nito ang pinakaugat ng isang damo.
Isa ang Lambak ng Cagayan sa may pinakamalawak na taniman ng mais at palay sa buong bansa.