Panukala para sa civil union, ipaprayoridad sa pagbabalik sesyon

Sa pagbubukas ng 2nd regular session ng Kamara, ipaprayoridad na ang legalisasyon ng civil union ng magkakarelasyon o karapatang magsama kahit hindi kasal.

Giit ni Deputy Speaker Gwen Garcia, dapat na harapin ng lehislatura ang katotohanan na nangyayari ngayon sa lipunan.

Ito ay alinsunod na rin sa pagkilala ng estado sa civil at human rights ng same sex at heterosexual couples na gustong magsama pero hindi pa handang magpakasal.


Sa orihinal na civil union bill ni House Speaker Pantaleon Alvarez, nakatutok lamang ito dati sa magkapareho ang kasarian o same sex couples pero mas minabuti na isulong ang win-win version sa pamamagitan ng pagsama ng heterosexual couples.

Dagdag pa dito, hindi lamang karapatan na magsama na hindi kasal ang nasasaad sa civil union kundi karapatan hanggang sa kanilang ari-arian at custodial rights sa kanilang anak.

 

Facebook Comments