Manila, Philippines – Malabong maisabatas ng Kongreso ang panukalang magpapaliban sa barangay election bago matapos ang 1st regular session ng 17th Congress.
Inamin ni House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman Sherwin Tugna na malabong mapagtibay ito bago ang ikalawang SONA ni Pangulong Duterte dahil hanggang ngayon ay ni hindi pa nila ito naisasalang sa pagdinig.
Ayon kay Tugna, kakausapin pa niya sina Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Leader Rodolfo Fariñas para malinawan ang direksiyon dito ng Kamara.
Naniniwala naman si Tugna na kakayanin nilang pagtibayin ang panukala para i-postpone ang barangay elections pagkatapos ng sona ng Pangulo huling bahagi ng Hulyo.
Ang mabigat lamang aniya ay ang isyu ng appointment ng mga barangay officials na papalit sa mga kasalukuyang nakapwesto.
Imposible aniyang si Pangulong Duterte ang magtalaga sa 336,000 na appointees sa barangay.
Kung ipauubaya naman ito sa mga Alkalde, tiyak malaking debate kung dapat mangibabaw dito ang desisyon ng mga botante na may kapangyarihan na pumili at maghalal ng kanilang pinuno.
DZXL558