Nakatakdang isumite ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara sa susunod na Linggo ang panukalang 4.1 Trillion Pesos 2020 National Budget.
Ipiprisinta ni Budget Sec. Wendel Avisado ang budget proposal.
Ayon kay House Appropriations Committee Chairperson, Davao City Rep. Isidro Ungab na iniimprenta pa ng Budget Department ang panukalang pambansang pondo.
Aniya, mandato ng pangulo sa ilalim ng konstitusyon na ipasa ang kanyang taunang budget proposal sa Kongreso sa loob ng 30 araw matapos ang kanyang State of the Nation Address (SONA) noong July 22.
Tiniyak ni Ungab na sisimulan nilang busisiin ang budget isang araw matapos itong maipasa sa kanila.
Facebook Comments