Manila, Philippines – Kahit walang inanunsyong dagdag sahod ang Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng Labor Day kahapon, umaasa pa rin ang mga labor groups na tutugunan niya ito.
Sa interview ng RMN kay Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) Spokesman Alan Tanjusay – bagamat humingi ng kaunting panahon ang Pangulo para sa dagdag sweldo, tinanggap naman nito ang kanilang panukala na buwang subsidy sa halagang P500.
Samantala, uumpisahan na rin ng mga labor groups ang paggawa ng draft na nagpapahinto sa kontraktuwalisasyon sa bansa.
Ayon kay Tanjusay – target nila itong matapos upang malagdaan na ng Pangulong Duterte sa Mayo a-diyes.
Facebook Comments