MANILA, PHILIPPINES – Pagbobotohan na ang panukalang death penalty sa ikalawang pagbasa sa katapusan ng Pebrero.
Ayon kay House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas – target ng kamara na masunod ang schedule nito kung saan itinakda ang botohan sa death penalty bill sa February 28, sa halip na ang orihinal na target na March 8.
Nilinaw ng mambabatas na pagbibigyan naman ng ilang araw ang interpelasyon at debate tungkol sa panukala bago ito pagbotohan.
Samantala, lilimitahan na lamang sa kasong plunder, drugs at treason ang papatawan ng parusang kamatayan na siyang pinagkasunduan sa caucus ng supermajority.
Facebook Comments