
Nalalapit na ang pag-ban sa pagluluwas ng mga raw mineral oras na tuluyang maisabatas ang Senate Bill 2826.
Kagabi ay naaprubahan ang panukalang magpapataas ng government shares sa mining profits sa ikatlo at huling pagbasa sa botong 18 pabor at isang tumutol.
Sa ilalim ng panukala ay binibigyang daan ang development ng mga lokal na industriya at pagpapataas ng produksyon ng mga higher-value export.
Ipagbabawal ng panukala ang pag-e-export ng locally-extracted na raw materials katulad ng ginawa ng Indonesia noong 2020 kung saan pinatigil ang pagluluwas ng raw materials na nickel ore at bauxite noong 2022.
Ayon kay Senate President Chiz Escudero, ide-develop dito ang kakayahan natin para makapag-produce ng mataas na value ng minerals-related exports na magpagpapalakas ng ekonomiya at makalikha ng trabaho para sa mga tao.
Magiging epektibo naman ang batas pagkatapos ng limang taon na malagdaan ito ng Pangulo para matulungan ang mga industry player na makapagpatayo ng mga mineral processing plant.