
Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamilya ng nasawing PNP official na si Police Colonel Pergentino Malabed Jr.
Kabilang si Malabed sa mga casualty na nasawi sa salpukan ng commercial plane at military helicopter sa Potomac River, Washington D.C.
Nagpahayag din ang Embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos ng official statement para sa pamilya at mahal sa buhay ni Col. Malabed Jr.
Nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa mga awtoridad sa U.S. sa Philippine National Police (PNP) para sa ibibigay na tulong sa nasawing police officer sa Estados Unidos.
Facebook Comments