
Umalma ang pamunuan ng Malabon City Police Station sa naglalabasang isyu na tumataas ang bilang ng krimen sa lungsod.
Sa inilabas na pahayag ng Malabon Police at ng lokal na pamahalaan, itinanggi nila ang mga paratang saka sinabing fake news ang ipinakakalat sa social media.
Paliwanag ng Malabon Police, bumaba ang bilang ng krimen nitong taong 2024 kumpara noong 2023.
Kabilang sa napababang mga kaso ay ang pagnanakaw, holdap, iligal na droga, sugal at iligal na baril.
Paliwanag ng Malabon Police, nagawa nila ito sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan, iba pang ahensiya ng gobyerno, barangay at non-government organizations (NGOs) kasama na ang ibang community-based groups.
Apela ng Malabon Police sa publiko na huwag ng ipakalat ang fake news kontra sa kanila kung saan inaalam na nila kung sino o anong grupo ang gumagawa nito.