Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang naipasang batas ng Kongreso na nagdedeklara sa Munisipalidad ng Carmona bilang isang lungsod sa Cavite province.
Ito ay ang Republic Act No. 119381, na nilagdaan din nina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Dahil dito ay binibigyan ang Municipality of Carmona ng 60 araw para magsagawa ng plebesito.
Nakasaad sa batas na ang kasalukuyang mga opisyal ng Munisipalidad ng Carmona ay patuloy na gaganap sa kanilang trabaho at kapangyarihan hanggang hindi naisasagawa ang eleksyon at hangga’t wala pang naihahalal na papalit sa kanila.
Itinatakda rin ng batas ang hindi pagtaas ng kinokolektang buwis ng Carmona sa loob ng limang taon simula ng makamit nito ang pagiging lungsod habang mananatili rin ito bilang Fifth Legislative District ng lalawigan ng Cavite.