Wednesday, March 4, 2026

Panukalang batas para bawasan ang excise tax sa langis dahil sa tensiyon sa Middle East, sesertipikahang urgent ni PBBM —Palasyo

Nakatakdang sertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isusulong na panukalang batas na magbibigay sa kaniya ng kapangyarihan para pansamantalang bawasan ang excise tax sa langis.

Sa gitna ito ng nagpapatuloy na tensiyon sa Middle East at mga nakaambang walang prenong taas presyo sa petrolyo na epekto ng gulo.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na kakailanganin kasi ng bagong batas para mabawasan ang buwis sa langis.

Pero sa ngayon ay wala pang eksaktong halaga kung magkano ang planong ibawas sa excise tax.

Kahapon nang sabihin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kakausapin niya ang liderato ng Kongreso para magkaroon ng kapangyarihan na bawasan ang buwis sa inaangkat na petrolyo sakaling magtuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo sa international market.

Facebook Comments