Panukalang Charter Change, muling inihain sa Senado

Binuhay muli ni Senator Robin Padilla sa Senado ang pagsusulong ng Charter Change o ChaCha.

Sa inihaing resolusyon ni Padilla, ipinapanawagan nito ang pagpapatawag ng Constitutional Convention o ConCon para irebisa ang saligang batas.

Nakasaad sa resolusyon na kailangang gawan na ng pagbabago ang may tatlong dekada nang Konstitusyon at paulit-ulit ding inilarawan ang saligang batas bilang outdated o napaglipasan na ng panahon dahil bigo na itong tumugon sa mga hamon ng bitbit ng mga pagbabago sa loob at labas ng bansa.

Sinabi pa ni Padilla, na para maalis ang pagdududa na para lang sa iilan ang pagbabago sa Konstitusyon ay mas angkop na ipagawa ito sa ConCon kung saan ihahalal ang mga aatasan na mag-amyenda ng Konstistusyon.

Mahihikayat din dito ang mas malawak na partisipasyon mula sa publiko at inaasahan ang mas maraming pananaw at opinyon mula sa taumbayan.

Wala namang idinetalye pa si Padilla kung ano ang mga partikular na dapat baguhin o rebisahin sa Konstitusyon.

Facebook Comments