Binusisi ng Sangguniang Bayan ng Aguilar sa isinagawang second deliberation noong Marso 2, 2026 ang mga panukalang Curfew Ordinance sa ilang barangay ng bayan.
Sa naturang committee hearing, tinalakay ang mga ordinansang naglalayong magpatupad ng curfew para sa mga kabataan mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw sa mga barangay ng Manlocboc, Laoag, at Tampac.
Kabilang din sa panukala ang Barangay Pogonsili kung saan planong isama ang mga sari-sari store sa sakop ng ipatutupad na curfew.
Ayon sa sangguniang bayan, layunin ng ordinansa na mapanatili ang kaayusan at matiyak ang kaligtasan ng mga residente, lalo na ng mga kabataan.
Sa kasalukuyan, patuloy pang dumaraan sa pagdinig ang mga naturang ordinansa bago ito tuluyang maaprubahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










