Panukalang DDR, sinimulan ng talakayin sa Kamara

Sinimulan na ng House Committee on Government Reorganization at Committee on Disaster Resilience na talakayin ang hindi bababa sa tatlumpung panukalang batas para sa pagtatatag ng Department of Disaster Resilience o DDR.

Ayon kay Albay 2nd district Rep. Joey Salceda, pangunahing may-akda ng panukala, aabot sa 2.5% hanggang 5% ng Gross Domestic Product ang annual cost ng pagtama ng kalamidad sa bansa.

Tinukoy ni Salceda na ang Pilipinas ay kinukunsidera rin bilang isa sa mahinang bansa sa buong mundo pagdating sa mga epekto ng natural hazards, lalo’t nasa Pacific Ring of Fire” ang bansa at karaniwang dinadaan ng mga bagyo; maraming bulkan, at apektado ng climate change.


Binnggit din ni Salceda ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ukol sa interes na bumuo ng isang katulad ng Federal Emergency Management Agency.

Nais naman ni Batangas 4th District Rep. Lianda Bolillia na maisumite ng Office of the Civil Defense ang bersyon ng ehekutibo ng DDR upang maikonsidera sa pagtalakay ng Kongreso at maiwasan ang pagka-veto sakaling maipasa ang panukala.

Samantala, nagpahayag naman ng suporta sa panukalang DDR ang Department of Science and Technology (DOST), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments