Panukalang gawing 2 taon ang probationary period ng isang empleyado, tatalakayin sa TWG

Aminado si Probinsyano Ako Party-List Rep. Jose Singson Jr. na nabatikos siya matapos isulong ng Probationary Period ng isang empleyado.

Sa ilalim ng House Bill 4802, gagawing dalawang taon ang Probationary Employment mula sa kasalukuyang anim na buwan, bago maging regular sa trabaho ang isang Empleyado.

Pero nanindigan ang mambabatas na magdudulot ng positibong epekto sa mga empleyado ang kanyang panukala.


Para kay Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Vice President Louie Corral, mas lalala lamang ang Kontraktwalisasyon o Endo kapag isinulong ito.

Isasailalim sa Technical Working Group ang panukalang batas para mas lalong mabusisi at mapag-aralan.

Una nang nagpahayag ng pagtutol si Labor Sec. Silvestre Bello III sa naturang panukala.

Paniwala ng kalihim, posibleng mapagkaitan ang mga empleyado ng mga benepisyo na natatamasa ng isang regular na empleyado.

Facebook Comments