Panukalang magtataas ng parusa laban sa tax racketeering, lusot na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 8144 o panukalamagpapataw ng mas mabigat na parusa laban sa mga sangkot sa tax racketeering.

276 na mga mambabatas ang bumoto pabor sa panukala na layuning i-update ang tax code para mapigilan ang paglusot sa pagbabayad ng buwis sa gobyerno.

Isinusulong ng panukala na mapatawan ng 17 hanggang 20 taong pagkakakulong at multa na 5 million pesos hanggang ₱10 million ang magsasagawa ng tax racketeering, gayundin ang mga kasabwat o may kinalaman dito.


Base sa panukala, ang racketeering ay pag-iwas sa pagbabayad ng tamang buwis at paggamit ng mga pekeng resibo, returns o record na ang halaga ay hindi bababa sa ₱10 million.

Facebook Comments