CTA, tuluyan nang pinawalang sala sa kasong tax evasion si Rappler CEO Maria Ressa

Tuluyan nang ibinasura ang kasong tax evasion laban kay Rappler Chief Executive Officer (CEO) Maria Ressa.

Ito’y matapos hindi katigan ng Court of Tax Appeals (CTA) ang motion for reconsideration na isinampa ng prosekusyon laban kay Ressa.

Si Ressa ay pinawalang sala ng CTA noong January 18, 2023 ngunit agad umapela ang pamahalaan noong February 2, 2023.


Makalipas ang ilang buwan na pag-aaral ng korte, tuluyan ng pinawalang saysay ang kaso laban sa Rappler CEO.

Ang kasong tax evasion ni Ressa ay nag-ugat sa mga buwis na umanoy hindi nabayaran ng Rappler.

Facebook Comments