Panukalang nagbibigay awtorisasyon sa LGUs at NGOs na magpatayo ng mga school buildings at classrooms, inisponsoran na rin sa plenaryo ng Senado

Inendorso na sa plenaryo ang panukalang batas na nagbibigay awtoridad sa mga lokal na pamahalaan at sa mga non-government organizations na magtayo ng mga paaralan at silid-aralan.

Isinulong ang panukala sa Senado bunsod na rin ng natuklasan na umabot na rin ang katiwalian ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagpapatayo ng mga paaralan at classrooms kung saan para sa taong ito, nasa 22 silid-aralan lang ang completed na naipatayo mula sa 1,700 classrooms.

Sa sponsorship speech ni Senator Bam Aquino para sa Senate Bill 1482 o Building Acceleration Program Act, pinahihintulutan ang mga Local Government Unit (LGU) at mga non-governmental organization (NGO) na may maganda at napatunayan nang track record na magpatayo ng mga eskwelahan gamit ang pondo mula sa national government.

Para matiyak na tama ang presyo, itatakda ang price ceiling ng eskwelahan batay sa bilang ng mga silid-aralan at palapag.

Sa DPWH kasi ay umaabot sa P2.5 million hanggang P4 million ang pagpapatayo ng bawat classroom pero kapag LGU at NGO ang nagpagawa, aabot lamang ito sa average na P1.8 million kada silid-aralan.

Facebook Comments