Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 6687 o panukalang mandatory National Citizens Service Training o NCST Program na sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
276 na mga konresista ang bomoto pabor sa panukala, apat ang komontra at walang nag-abstain.
Nakapaloob sa panukala na lahat ng mag-aaral sa Public at Private Higher Education Institution at sa mga Tech-Voc Institution ay obligadong sumailalim sa NCST Program sa loob ng dalawang taon.
Sa ilalim ng panukala ay optional naman ang Reserved Officers Training Corps (ROTC) na kukunin sa loob ng apat na taon.
Ang NCST curriculum ay tututok sa pagtugon sa kalamidad, survival and safety technique at civic duty.
Ang mga magtatapos sa NCST Program ay bibigyan ng National Service Reservist Serial Number at otomatikong mapapabilang sa reserve force ng Armed Forces of the Philippines (AFP).