Panukalang open road tolling, sinisilip ng TRB

Pinag-aaralan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang mga panukala para sa open road tolling sa gitna ng mga reklamo para sa cashless payment system.

Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpuz, marami pang isyu ang kailangang resolbahin sa kasalukuyang toll setup bago lumipat at gawin ang open road tolling.

Dagdag pa ni Corpuz, kailangan ding ayusin ang ilang concern para sa payment monitoring.


Sa panig ng NLEX Corporation, sinabi ni Vice President for Technology Glenn Campos na ang open road tolling ay bahagi ng kanilang electronic toll collection roadmap.

Pero hindi maaaring madaliin ang pagpapatupad nito dahil maraming pagbabago ang gagawin.

Facebook Comments